Sa pagdiriwang ng Filipino Elderly Week noong October 30,2024 dito sa Strike Gymnasium, buong pusong binabati kayo ng inyong Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ng ating 24/7 City Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang Sangguniang Panlungsod. Sa inyong malasakit at aktibong partisipasyon sa iba’t ibang larangan, tunay kayong inspirasyon sa ating bayan.
Sa pagmamahal ni Senador Bong Revilla sa mga senior citizens, siya ang nanguna sa pagpasa ng Expanded Centenarian Act of 2016, na naglalaan ng dagdag na PHP 10,000 na benepisyo para sa mga senior citizens na edad 80, 85, at 90. Ganap na itong batas sa pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos noong Pebrero 26, 2024.
Dito sa ating lungsod, mayroon din tayong mga ordinansang naglalayong palawakin ang inyong mga oportunidad at benepisyo, tulad ng Senior Citizens and PWD Employment Incentive Ordinance of Bacoor, na naghihikayat sa mga negosyo na tumanggap ng mga seniors at PWD bilang empleyado. Nariyan din ang City Ordinance 319-2023, na nagbalik ng libreng sine para sa inyo, at iba pang programa tulad ng Kalinga sa Matatanda, senior discounts, at mga serbisyo sa medical assistance at social services.
Kami po sa pamunuan ng Bacoor ay patuloy na maghahatid ng serbisyo at pagmamahal para sa inyo. Maging masaya at mabunga nawa ang inyong pagdiriwang!