Noong nakaraang Hunyo 8, 2024, napasaya ng Tau Gamma Philippines Grand Fraternity (Cavite), sa pangunguna ni Mr. Noly Galvez, ang mahigit dalawang daang kabataang BacooreƱo sa Green Valley, Barangay San Nicolas 3.
Bilang pakikiisa sa nasabing programa, dumalo rito sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Barangay Capt. Alfredo Arevalo at ang kanyang barangay council, pati na rin si Chairwoman Nina Mae Canete at mga SK Kagawad nito.
Bukod sa pagpapakain sa mga kabataan, mayroon ding Inflatable Playpen na talaga namang kinagiliwan ng mga kabataan, kaya naman lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, sa Tau Gamma Philippines Grand Fraternity (Cavite) sa inisiyatibo na nito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.