Isang makabuluhang Elderly Week Celebration ang idinaos natin sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay, Bacoor Government Center na may temang “Senior Citizens: Building the Nation, Inspiring the Generation” na idinaos noong October 4,2024. Kasama ng ating mga minamahal na nakatatanda, ipinagdiwang natin ang kanilang mahalagang ambag sa ating lipunan at kung paano sila patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat henerasyon.
Salamat po sa inyong sipag, tiyaga, at pagmamahal sa ating bayan. Patuloy ang ating suporta sa mga programa at serbisyo na magbibigay-ginhawa at magpapaunlad sa buhay ng ating mga lolo at lola. Mabuhay po kayo lahat