Noong November 11, 2023, naging matagumpay ang isinagawang Earthquake and Tsunami Simulation Exercise sa Strike Gymnasium at ilang mga Barangay na malapit sa tabing dagat. Dito ipinakita ang mga pagsasanay kung saan ang lahat ng mga BacooreƱo ay pinaghahanda sa kahit anumang sakuna na maaring mangyari sa Lungsod. Ang pagsasanay na ito ay binigyan ng masusing pag-aaral upang mas maging handa at tama ang mga serbisyo at tulong na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod sa bawat mamamayan.
Ipinakita rin ng Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office (BDRRMO) sa pangunguna ni Sir. Richard Quion ang mabilis at matalinong pamamaraan para mas mabilis na makapagbigay ng tulong sa mga BacooreƱo. Hindi lang ang BDRRMO ang nanguna sa pagsasanay na ito, dahil ipinakita rin ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Philippine National Police (PNP) ang serbisyong kanilang gagawin sa oras ng sakuna.
Sa mensahe naman ni City Councilor Rey Palabrica, binigyan diin nito ang isang resolusyon na ang lahat ng mga manggagawa sa Lungsod ng Bacoor ay dapat dumaan sa isang pagsasanay bilang paghahanda sa kalamidad. Hiniling din ni Konsehal sa mga Bacooreno na dapat magpakita ng interes at pagmamalasakit ang lahat, sapagkat ayon sa kanya, tayo-tayo rin ang magtutulungan sa oras ng sakuna. Nagbigay din ng mensahe ang Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Officer na si Mr. Richard Quion via live zoom, upang ipaalala ang kahalagan ng ginawang Simulation Drill, at nag pasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakiisa.
Sinimulan ang Simulation exercise sa pamamagitan ng pag press ng alarm button kasama sina PLTCOL. John Paolo Carracedo ng Bacoor PNP, SFO3 Romeo Buena ng C, Operations Section BFP-Bacoor City, Ms. Evelyn Castillo ng CSWD, Local DRRM Officer III, Ms. Charise ng BDRRMO, Kapitan Randy Francisco ng Brgy. Daang Bukid, Brgy. Secretary Toots Felizardo ng Tabing Dagat at
Brgy. Kagawad Jerry San Pedro ng Camposanto.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna naman ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ay patuloy na gumagawa ng mga programa at proyekto para maging handa ang Bacoor sa kahit anong sakuna.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.