Noong September 14, 2023, ginaganap ang “Dugong Alay Pandugtong Buhay” na proyekto ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., tuwing papalapit ang kanyang kaarawan. Mahigit limang daan ang nag-register at umabot sa dalawang daan walongpu’t tatlo ang nakapasa at nakuhanan ng dugo. Galing ang mga donors sa iba’t ibang sektor tulad ng Fraternities, BHOACI, Barangay Officials, Hiyas ng Bacoor Rotary Club, Agimat RIDERS, Toda, maging ang Philippine National Police (PNP), BJMP, NAVY at Philippine Army. Naglaan naman ng pagkain at sertipiko ang opisina ni Senator Bong Revilla Jr. bilang pagkilala sa mga sumuporta sa ika-14 na taon ng “Dugong Alay Pandugtong Buhay”.
Kaisa ng opisina ni Senator Bong Revilla Jr. ang mga Ospital na laging kasama sa proyektong ito, Cavite East Medical Center, Cardinal Santos Medical Hospital, Pasay City General Hospital, maging ang mga pribadong kumpanya tulad ng Frabelle at ang Samahan ng Sovit-Cee Rotary Club Imus Independente.
Dinaluhan naman nila Cong. Lani M. Revilla na isa rin sa nagbigay ng mensahe ng pasasalamat, Cong. Bryan Revilla, Acting Mayor – Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members at ibang mga opisyal ng iba’t ibang mga departamento.
Nagpasalamat naman si Senator Bong Revilla kay Mayor Strike B. Revilla sa suportang ibinibigay nito sa mga programa at proyekto na makakatulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One. Dahil sa Bacoor at Home ka Dito
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.