Pwede rin mag donate ng BUNOT ng NIYOG at HUMAN HAIR o pinag gupitang buhok. Panawagan po sa mga may – ari ng PARLOR o BARBERSHOP sa ating lungsod na paki ipon po ang mga pinag gupitang buhok. Ito ay gagamitin natin sa ating ginagawang Improvised Oil Spill Booms.
Mga BacooreƱo, kailangan po ng ating lungsod ang tulong ng bawat isa NGAYON. Kaya naman,
Plastic Bottles mong DONASYON,
Gawin nating SOLUSYON.
Ang mga donasyong used plastic bottles na may takip ay maaaring dalhin sa bahay ni Mr. Allan Chua sa Brgy. SINBANALI, sa tanggapan ng Offitce of the Agriculure Services – Bacoor, o kaya ay sa inyong mga BARANGAY.
Maraming Salamat po sa lahat ng tumutulong at sa mga nag donate.