Bacoor City, Hulyo 25, 2025 — Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, matagumpay na naipamahagi ang relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Crising” at malakas na ulan dulot ng “Habagat.” Kasama rin ang tulong at suporta ng Team Revilla sa pangunguna nila Former Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Congresswoman Lani Mercado Revilla, Cong. Bryan Revilla, at mga Board Member na nagbigay suporta sa operasyon.
Sa umaga, naipamahagi ang mga relief packs sa mga barangay sa District 1 tulad ng Talaba 3, Talaba 2, P.F. Espiritu 1 hanggang 6, at Habay 1 at 2. Sa hapon naman ay tinutukan ang iba pang barangay ng District 1 kabilang ang Talaba 1, Maliksi 1 at 2, Poblacion, Kaingin-Digman, Sinbanali, Mabolo at Dulong Bayan pati na rin sa dalawang barangay sa District 2 ang Mambog 3, at Mambog 4.
Ang operasyon ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan upang maibsan ang paghihirap ng mga residente. Kasabay nito, patuloy ang repacking ng mga relief goods sa tulong ng mga kawani ng lungsod at mga boluntaryo na nagsisilbing lakas ng komunidad sa panahon ng kalamidad.
Ang Disaster Relief Operation na ito ay patunay ng malasakit at pagkakaisa ng Bacoor sa pagharap sa mga pagsubok ng kalikasan. Hinihikayat ang lahat na magkaisa at magtulungan upang sama-samang makabangon at makamit ang mas ligtas at maunlad na kinabukasan. Ingat po tayong lahat!