Isa sa tinututukan ng ating Pamahalaang Lungsod ang kalamidad na biglaang nangyayari sa ating bansa. Kaya naman patuloy na gumagawa ng mga programa ang Pamahalaang Lungsod para ibigay ang mga kaalaman at paghahanda na pweding gawin kapag may sakuna.
Anim na Barangay ( Bayanan, Mambog 3,4,at Molino 3, 4, 5 ) sa Lungsod ng Bacoor ang unang binabaan ng BDRRMO para isagawa ang Disaster Preparedness Talk “Strengthening Bacoor’s Resiliency” na dinaluhan ng mga kawani ng Barangay, Tanod, Volunteers maging ang ilan sa mga Homeowners Association Officers.
Hangad ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sir Elizar Dignos, Ma’am Rosemarie De Leon na matuto ng basic first Aid at basic life support ang mga Bacooreño lalo na ang mga nasa hanay ng Barangay.
Isa sa tinutukan sa programa ang STRIKE AS ONE EARLY WARNING DEVICE at STRIKE AS ONE FLOOD LEVEL MONITORING dito ibinahagi ng BDRRMO kung paano ito gawin at kung paano ito makakatulong sa ating mga otoridad kapag may sakuna sa Barangay.
Nagpapasalamat ang mga Barangay sa mga naging Speaker, Sir Enrique Nalzaro III, Ma’am Vanessa Mendoza at Ma’am Lyra Uy dahil sila sa ibinahaging kaalaman na magagamit ng ating mga kababayang Bacooreño kapag may sakuna.
Patuloy na magtutulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mga Barangay upang maibigay ang mga programa at proyekto na makakatulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.