Sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo program, 2,500 na residente mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ng Bacoor ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa National Funds sa isang matagumpay na pagtitipon na pinangunahan ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Team Revilla.
Layunin ng programa na magbigay ng agarang suporta sa mga Bacooreño na nangangailangan ng tulong pinansyal, lalo na sa gitna ng mga hamon na kinahaharap ng lungsod.
Personal na iniabot ni Mayor Strike B. Revilla ang tulong pinansyal sa mga residente kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Coun. Alex Gutierrez, Coun. Alde Pagulayan, Coun. Karen Sarino-Evaristo, at LNB Vice Pres. Coun. Randy Francisco.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.