Pinaunlakan ng ating City of Bacoor Vice Mayor Rowena Bautista – Mendiola at ni BM Ram Revilla ang isinigawang Cyber Safety Caravan sa Revilla Hall.
Binigyang halaga naman ng ating mga butihing panauhin na sina Mr. Donnie Ray Alolor at Ms. Lorie Naranjo mula sa World Hope International ang mga paksa na ukol sa Ensuring Safe Spaces Online for Children at Campaign Against Online Sexual Exploitation.
Layunin nito na makapagbigay impormasyon at alarma tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa ating kapaligiran at maging seguridad ang kaligtasan ng bawat kabataan sa ating Lungsod.
Lubos ang pasasalamat ng City Government of Bacoor sa ating CSWD sa pangunguna ni Ms. Lilianne Ugalde at sa Provincial Council for the Protection of Children na ating katuwang upang maisagawa ang programang ito.
Dinaluhan naman ito nina Ms, Jessie Rose Cruto- Provincial Council For the Protection of Children Focal Person, Mr. Aries Panganiban – Provincial Youth Association of the Philippines and Early Childhood Care and Development Focal Person, Mr. John Patrick Barbacena – Provincial Council for the Protection of Child and Survivor Rights Focal Person, Mr. Ray Andrew Villafuerte – DSWD IV-A, Regional Inter-Agency Committee on Anti Trafficking Child Pornography Violence Against Women and Children, Mr. Angelo Salubong – Move, Solo Parent, LGBTQIA+ Focal Person at ni Ms. Celestina Cortez – Migration and Development Focal Person.
Nilahukan ito ng nasa higit 52 participants mapamatanda o mapabata na mula sa iba’t – ibang barangay ng ating Lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.