Bilang bahagi ng Strike Festival Calendar, nagsagawa ang – ng isang aktibidad na pinamagatang “Cultivating Knowledge: Urban Agriculture Input Distribution and Awareness Campaign”. Layon nito na maipakita at maipabatid sa publiko ang kahalagahan at magandang oportunidad sa urbanisadong agrickultura sa pamamagitan ng mga IEC materials gaya ng pamphlet, booklets, at audio visual presentations mula sa ATICalabarzon. Kalakip ng mga impormasyon naiuwi ng mga partisipante ang mga starter kits mula sa tanggapan kagaya na lamang ng assorted vegetable seeds, seedling trays at vermicast.
Naitampok din dito ang iba’t ibang istoryang urban garderning mula sa mga benepisyaryo ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) at iba pang aktibong hardinero’t hardinera na nagsipagdalo.
Mas naging kapa-panabik pa ang event dahil sa samu’t saring pa-raffle na mula pa sa DA-Calabarzon at Bureau of Plant Industry. Ang mga naging papremyo ay:
5 trellising twine – 5 winners
5 sets agri-tools with reusable seedling bags – 5 winners
5 organic insecticide and soil enhancer – 5 winners
100 vegetable seedlings – 19 winners
Hydroponic set (5 plastic hydro box, 75 plastic hydro cups and 1 pair nutrient solution) – 1 winner
Lubos ang pasasalamat ng aming tanggapan at ng City Government of Bacoor sa lahat ng nagsipagdalo at sa mga ahensyang nagbigay ng kanilang suporta sa matagumpay na event na ito.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.