Inorganisa ng Mayor’s Office katuwang ang City Social Welfare Department (CSWD), ngayong araw ang Assistance to Individuals in Crisis Situation sa Strike Gymnasium. Umabot sa 621 benepisyaryo ang nakatanggap ng Medical and Financial Assistance matapos lumapit sa ating mga Strike Action Center.
Ang pamimigay ng tulong pinansyal ay dinaluhan at sinuportahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, na pinangungunahan ng ating At Your SerVICE Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola.
Mahigpit na pinaalala ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla ang curfew at liquor ban upang mapanatiling ligtas ang lahat ng residente at maiwasan ang anumang aksidente. Ang pagpapatupad ng mga patakaran na ito ay mahalaga upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga Bacooreño lalong-lalo na ang mga kabataan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.