Ngayong Linggo ay matagumpay na naisagawa ang Courtesy Call ng Technical Working Group (TWG) para sa Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA).
Ang Technical Working Group (TWG) na binubuo ng mga kinatawan mula sa CPDC, BDRRMO, CESD, Office of the Agricultural Services, at City Engineering Office, ay bumisita sa iba’t ibang barangay (Salinas 1, Salinas 2, P.F. Espiritu 2, P.F. Espiritu 3, Habay 1, P.F. Espiritu 4, P.F. Espiritu 6, Habay 2, at Mabolo) kung saan tinalakay kung ano nga ba ang Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA), ano ang mga dapat gawin, at paano ang tamang pangangalap ng datos mula sa mga residente ng ating barangay.
Maraming salamat sa mainit na pagtanggap ng ating mga opisyal ng barangay!
Patuloy nating pagtulungan ang mas ligtas at matatag na kinabukasan para sa ating lungsod.