Isinagawa noong August 1, 2023, ang Coordination Meeting para sa implementasyon ng Capacitating Urban Communities for Peace and Development (CUCPD) dito sa Lungsod ng Bacoor. Ito ay isang mahalagang hakbangin para sa matagumpay na pagpapatupad ng programa sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng mga urban communities sa ating lungsod.
Buo ang suporta na ipinakita ni Mayor Strike B. Revilla ukol dito, gayundin ng mga espesyal na panauhing dumalo katulad na lamang nina LGMES Chief Mary Roxanne T. Vicedo, Provincial Director Engr. Danilo A. Nobleza, CUCPD Focal Person Maria May Ambata, DAR Representative, mga kinatawan ng AFP at PNP, Bacoor CTF-ELCAC, CUCPD TWG, LGUs, at NGAs.
Patuloy po nating isulong ang kapayapaan, pag-unlad, at kagalingan ng mga mamamayan as WE STRIKE AS ONE, DAHIL SA BACOOR, AT HOME KA DITO
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.