Isinagawa ang makabuluhang araw ng Flag Raising Ceremony na ginanap sa Strike Gymnasium. Ang seremonya ay pinangungunahan ni G. Edwin Guinto at ng mga empleyado ng City Tourism Development Office.
Ito ay pormal na binigyan ng masaganang at magandang mensahe ni City Councilor Hon. Reynaldo Palabrica.
Nakatanggap ng parangal ang Bacoor National High School – Main sa pangunguna ni Dr. Teodoro Gloriani. Sila ay pinangaralan ng Certificate of Recognition in Excellence in Teaching Awards na ginanap sa Bangkok, Thailand noong ika-15 ng Hulyo, 2023.
Samantala, hinirang ang paaralan bilang Best Secondary Public School in CALABARZON noong ika-8 na Gawad Patnugot Awards ng Department of Education.
Nagbigay naman ng mensahe ang ating mga panauhin ngayong araw sina Ms. Elinia Imelda Rozelle S. Sangalang, ang Cavite Provincial Tourism Officer, at si Dir. Marites T. Castro, ang Regional Director ng Department of Tourism, CALABARZON.
Nagpahayag naman ang ating Ama ng Lungsod ng Bacoor na si Mayor Hon. Strike B. Revilla. Sa kanyang mensahe, siya ay nagbalik-tanaw at naglahad ng mga paparating na aktibidad para sa linggong ito:
1. Ang ating Alkalde ay dumalo para sa 2023 United Nations Sustainable Development Goals Summit na ginanap sa New York, United States of America.
2. Ang pag-ulan ng VOG o Volcanic Smog dulot ng Bulkang Taal.
3. Ang pagtanggap ng parangal ng lalawigan ng Cavite: 1st Place 2023 Local Legislative Award sa pangunguna ng DILG Provincial Award Committee.
4. Isang parangal na pagkilala sa gaganaping 2023 Regional Development Council ngayong Miyerkules, bilang Gawad Kalyebida Awardee sa kategoryang Outstanding City.
5. Sa pagdiriwang ng BAKOOD Festival 2023 at ika-352 founding anniversary ng Lungsod. Ito ay may mga nalalapit na kompetisyon at aktibidad tulad ng Drumline, Color Guard Battle, Marching Street Parade, at Marching Field Show.
Ipinagmamalaki ng ating Alkalde ang pagbati sa Kaarawan ng kanyang Kapatid na si Sen. Bong Revilla Jr; Pati na rin ang pagbati sa mga nagwagi ng parangal, si Dr. Teodoro Gloriani, at ang ROBOSTRIKERS mula sa Bacoor National High School – Main.
Sinundan naman ito ng maikling mensahe at paalala para sa ating mga Bacooreño: “let us reflect on our actions, our values.”
As We Strike, As One!
Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.