Matagumpay na nakapag tapos ang 69 na drug surrenderees na dumaan sa ibat-ibang activities at program sa loob ng anim (6) na buwan.
Ang programa ng City Health Office na makatulong sa mga Bacooreñong na iba ng landas ay matagumpay na naisagawa dahil sa magandang resulta ng programa. Ang 6 months rehabilitation ay nagbigay ng daan para sa panibagong buhay ng mga former drug addict na ngayon ay maari ng makapag hanap ng trabaho at mag negosyo gamit ang kanilang mga natutunan. Sumailalim rin sila sa counseling(pagpapayo) para mas mabuksan ang kanilang isipan sa mga bagay na makakatulong sa kanilang sarili.
Ngayon mas malinaw na kaisipan at magandang pangarap para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya ang kanilang prayoridad.
Sa mensaheng iniwan ni Cong. Lani M. Revilla ang tuloy-tuloy na mga programang makakatulong sa bawat Bacooreño at mailayo ang kabataan sa masamang bisyo. Si Cong. Lani M. Revilla rin ang unang nag-programa ng LINGAP SA MAPAGKALINGANG REHABILITASYON para mailayo rin ang mga Bacooreñong sumubok sa ipinagbabawal na gamot.
Dinaluhan nila Cong. Lani M. Revilla, Sangguniang Panlungsod Members, Dra. Yvy Marie Yrastorza, Dr. Bob De Castro, Mr. Lionel Dalope, Mr. Cj Cofreros, Mr. Ceazar Pajuyo, Mr. Aldrin Jay David, Jail Officer 2 – Rosalio Tiozon, Police Major Renalyn Lim, Kap. Arnold Vecino ang programa para sa mga drug surrenderees.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola ay patuloy na sumusuporta sa mga programang makakatulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.