Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang unang araw ng buwan ng Hulyo sa isang flag raising ceremony na pinangunahan ng City Health Office (CHO), sa pamumuno ni Dra. Ivy Yrastorza.
Binuksan ang seremonya sa pambungad na pananalita mula kay City Councilor Rey Palabrica, na agad ding sinundan ng paglalahad ng Accomplishment Report ng CHO sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation.
Binigyang-pansin din ang mensahe mula sa panauhing pandangal na si Ms. Lin Therese Serrano mula sa Red Cross, pati na rin ang pagkilala sa mga Sangguniang Kabataan na dumalo sa Fire Safety Drill Seminar na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Bacoor.
Nagtapos ang programa sa isang intermission number mula sa mga masisipag na empleyado ng CHO at sa isang espesyal na mensahe na inihandog ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola.