Isang matagumpay na araw sa Lungsod ng Bacoor kung saan ginanap ang Regular Flag Raising Ceremony noong July 31, 2023 sa Strike Gymnasium.
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ni Dr. Ivy Marie Yrastorza, Department Head of the City Health Office, kasama sa mga nag-organisa ang iba pang staff ng City Health Office (CHO).
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Hon. Rey Palabrica, City Councilor from District 2, at sinundan ito ng ating bisita, ARD Leda Hernandez, Assistant Regional Director of DOH-IV A, na nagtalakay ng kahalagahan ng kalusugan ng bawat isa.
Naglahad naman ng Accomplishment Report ang City Health Office o CHO sa pamamagitan Audio Visual Presentation.
Samantala ang ating Mayor Strike B. Revilla ay nagbigay ng balik-tanaw at balita para sa ating Bacooreño:
1. Ang tagumpay na botohan noong Plebesito na mayroong 90.44% o 29,285 na bomoto na YES for Barangay Merging.
2. Pagsasagawa ng HIV awareness, COVID-19 Awareness at mga awareness sa mga iilang sakit para Lungsod ng Bacoor.
3. Ang pagranas ng mahinang tag-ulan sa lungsod.
4. Ang pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
5. Libreng Rabies Vaccination para sa lungsod.
Nagpapasalamat rin si Mayor Strike B. Revilla sa mga Bacooreño na buong pusong sumuporta kaya “Yes ang Bacoor sa Barangay Merging.” Pinasalamatan din nito ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environmental Management Bureau-CALABARZON at ang Department of Justice (DOJ) sa pangunguna ni Regional Director Shirley Fernandez.
Isinagawa rin kanina ang pagbigay ng Certificate of Appreciation para sa ating mga tauhan ng City Health Office at Certificate of Completion para sa ating mga trainees ng Bacoor Computer Center (BCC)/ Management Information System (MIS).
Ito naman ay dinaluhan nina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at ng mga Sangguniang Panglungsod Members.
We Strike As One!
Dahil Dito Sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.