Oktubre 23, 2023 (Lunes) – Sinalubong ang panibagong linggo ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa isang Regular Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng City Assessor’s Office (CAO) sa pamumuno ni Engr. Allan Quinatadcan katuwang ang City of Bacoor Ministries Association Inc., (CBMAI) sa pamumuno naman ni Pastor Sam Baldon.
Sinimulan ang seremonya na ito sa pag-awit ng Bacoor HOPE Children’s Chorus, sa ilalim ni Dra. Tina Alberto, ng Pambansang Awit ng Pilipinas, Himno ng Cavite at Bacoor, na sinundan naman ng pambungad na pananalita ni Hon. Alde Pagulayan, City Councilor of District 2.
Naglahad din ang CAO ng kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation. Buong puso namang tinanggap ang espesyal na panauhin ngayong araw na si Mr. Raymund D. Salazar, REA, Provincial Assessor, Provincial Government of Cavite na nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga kawani ng gobyerno.
Kasabay nito, muling binigyang pagkilala ang City of Bacoor bilang “Awardees of this Year Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) Regulatory Office Program: Kaagapay sa Kalusugan At Kapaligiran,” na naglalayong magmulat hinggil sa antas ng mga bilang sa pag-avail ng desludging.
Sa pagtatapos ng seremonya, ibinahagi ni Mayor Hon. Strike B. Revilla ang mga sumusunod:
1. Ligtas na UNDAS 2023
2. Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023
3. Breast Cancer Awareness Month
4. LRT Line-1 Cavite Extension Project
5. 2-day Seminar for BTMD Enforcers
6. Yuletide Strike-A-Job Fair
7. Pamamahagi ng 210 Laptops, 43 Portable Speakers, at 19 Filing Cabinets para sa mga DepEd Schools
8. Strike Day Care Center sa Ramblers Villa Esperanza, Molino 2
9. Recognized as Functional Peace and Order Councils para sa Fiscal Year 2022
10. Tagumpay ng Bacoor City Strikers laban sa Iloilo United Royals
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.