Ang Barangay Molino 6 sa pamumuno ni Punong Barangay Ronaldo J. Javier ay sumusuporta sa Feeding Program sa tulong ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla, City Social Welfare Development (CSWD), City Nutrition of Bacoor sa pamumuno ni Ms. Liliane Ugalde at City Nutrition Action Officer Ms. Cristina O. Elalto. Ito ay isinagawa ni Ms. Ejen Radana, Ms. Chanda S. Tamparong katuwang sina Kagawad Jhosie Gayamo, Barangay Nutrition Scholar Raiza Joy Herrera at magulang ng mga bata.
Ang edukasyon sa nutrisyon ay ginawa din upang mapabuti ang kalusugan at kagalingan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga tao kung paano pumili ng mga masusustansyang pagkain, tulad ng PINGGANG PINOY na nagsisilbing visual tool upang matulungan ang mga Pilipino na magkaroon ng malusog na gawi sa pagkain at paghahatid ng mabisang dietary at healthy lifestyle messages sa 10 KUMAINMENTS upang maisulong ang malusog na pagkain at mga gawi sa pamumuhay upang maiwasan ang malnutrisyon. Tinitiyak din ng konseho na ang mga bata ay tinuturuan ng TAMANG PAGHUGAS NG KAMAY upang makabuluhang bawasan ang bilang ng mga nakakapinsalang bakterya at virus sa kanilang mga kamay.