Isang pagtitipon ang naganap sa Revilla Hall para sa CESD General Assembly at pamamahagi ng bagong uniporme sa mga empleyado ng City Environment Service Department.
Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng City Environment Service Department, sa pangunguna ni Mr. Rolando R. Vocalan. Dumalo rin sa okasyon sina Mayor Strike B. Revilla at Konsehala Karen Sarino Evaristo upang suportahan ang mga kawani ng CESD.
Kasama sa mga dumalo ang 283 na mga empleyado ng CESD na kinabibilangan ng mga River Warriors, Eco Aide District 1 at 2, Special Operations District 1 at 2, at mga Eco Enforcers. Ang pagtitipon ay naglalayong magkaroon ng pagkakaisa at pag-uusap hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kalikasan at kapaligiran.
Isa sa mga pangunahing balita ng araw ay ang anunsyo ni Mayor Strike B. Revilla na magkakaroon ng dagdag na 500 pesos sa sahod ng mga empleyado ng CESD. Layunin nito na maipakita ang pagkilala at pasasalamat ng lungsod sa kanilang dedikasyon sa trabaho.
Bukod pa rito, inanunsyo rin ni Mayor Strike na magkakaroon ng dagdag na sahod para sa mga empleyado na nagbibigay ng kanilang kontribusyon sa Pag-ibig Fund. Sa pamamagitan nito, magiging qualified sila para sa mga programa ng lungsod, tulad ng pabahay.
Hindi rin nakalimutan ni Mayor Strike na ipaalala sa mga empleyado ang pag-aaplay para sa PhilHealth. Sa pamamagitan ng pagiging miyembro nito, magkakaroon sila ng libreng benepisyo para sa kanilang mga medikal na pangangailangan at ng kanilang pamilya.
Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo, handog ni Mayor Strike ang libreng pustiso para sa mga empleyadong may bungi. Layunin nito na makatulong sa kanilang pangangailangan sa dental health.
Ang pagtitipon na ito ay naganap sa Revilla Hall noong ika-5 ng Abril, 2024. Ipinakita ng mga empleyado ang kanilang suporta at pagkakaisa sa mga programa ng CESD at ng lungsod bilang pangalaga ng kapaligiran.
Sa huli, sa araw ng CESD General Assembly ang Bacooor LGU sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay nagpapakita ng patuloy na suporta at pagkilala ng pamahalaang lokal sa mga kawani ng CESD. Ang mga ito ay nagbibigay-inspirasyon sa kanilang mga kapwa empleyado na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran sa Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.