Noong Hunyo 3, 2024, masayang ipinagdiwang ng Cavite State University (CVSU) ang tagumpay ng kanilang 50 Criminology students na nakapasa sa Licensure Exam ng Philippine National Police (PNP) noong Pebrero 2024.
Sa pamamagitan ng Thanksgiving at Testimonial na inihandog sa kanila ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, nabigyan sila ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang pinagdaanan upang maabot ang tagumpay na kanilang matagal nang inaasam.
Bukod dito, ipinagdiwang din ng prestihiyoso na unibersidad ang kanilang natanggap na pagkilala bilang TOP 4 Performing School in Criminology Nationwide dahil sa kanilang nakuhang Campus Passing Rate na 96.15% at 48.27% National Passing Rate.
Binati at kinilala naman nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Cong. Lani Mercado Revilla, at ng lahat ng bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, ang kanilang ipinakitang husay at galing.
Dumalo din ang mga officers at miyembro ng Cavite State University (CvSu) na sila ring nagbigay panauhin sa programa. Kasama rito sina:
• Dr. Henry O. Garcia – 1st Campus Administrator, CvSU Bacoor
• Hon. Zannie I. Gumayao – Faculty Regent, CvSU Bacoor
• Prof. Ronan M. Cajigal – Former School Administrator, CvSU Bacoor
• Prof. Menvyluz S. Macalalad – School Administrator, CvSU Bacoor
• Dr. Ma. Agnes P. Nuestro – OIC, Office of the University President / VP for Academic Affairs
• Dr. Melbourne R. Talactac – VP for Research and Extension
• Prof. Ma. Veronica P. Peñaflorida – Director, International and Local Collaborations and Linkages Office
• Prof. Adora Joy T. Plete – Director, Public Affairs and Communications Office
Sa huli, punong-puno ng pasasalamat ang ibinigay ng bawat isa at nangakong gagampanan ang kanilang tungkulin para makapagsilbi sa mamamayang Pilipino.
Congratulations at Mabuhay ang mga bagong (Registered Criminologist) Kapulisan ng ating bansa!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.