Noong January 18, 2024, dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla ang Capacity Development Program (CDP) para sa lahat ng Barangay officials sa Lungsod ng Bacoor. Ang programa ito ay pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan layon nitong maibigay ang mga programa, proyekto at mga hakbang na maaring gawin ng mga Barangay sa kanila-kanilang nasasakupan.
Kaisa ng DILG ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor kung saan ang mga Heads ng iba’t-ibang departamento ay nakiisa para makatulong sa mga impormasyon at idea na maaring makuwa ng bawat Barangay officials.
Mayroong 47 Barangay Captain, 47 Treasury, 47 Secretary, 47 Kagawad ang nakiisa sa programa.
Maraming impormasyon ang ibinahagi sa programa, ilan dito ang Barangay Development Fund, Barangay Development Plan, Barangay Expenditure Program & Budget, Accounting Procedures and Reports, Treasury Concern at Auditing Rules & Regulations. Dahil dito mas inaasahang aayos at gaganda ang serbisyo ng Barangay sa kanilang mga nasasakupan.
Dumalo at naging panauhin naman ang Head ng DILG Bacoor na si Mr. Reginaldo Revilla na siyang naging speaker din sa programa. Nagbigay rin ng suporta sila Ms. Rhowena Alcantara – City Planing Development Coordinator, Ms. Elvinia S. Guerrero City Budget Officer, Ms. Slaney Sue A. Reyes – City Accountant, Atty. Edith Napalan – City Treasurer, Mr. Vince Earl P. Dueñas – Auditor II.
Sa huli, nagpasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa magandang pagkakaisa at pagtutulungan ng National, Local at Barangay para maging matagumpay ang programang magbibigay ng malaking kaalaman para sa mga Barangay official.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.