Ang temang ‘Breaking Rabies Boundaries’ ay nagtatampok sa pangangailangang lampasan ang mga kasalukuyang limitasyon sa pagsugpo ng rabies. Mahalaga ang integrasyon ng mga pagsisikap sa iba’t ibang sakit, pagpapalakas ng One Health collaboration, pagbutihin ang kooperasyon, pagtanggap ng mga bagong teknolohiya, pagpapalawak ng mga programa, at pagpapataas ng kamalayan ng publiko.
Ang World Rabies Day ay isang mahalagang pagkakataon para sa pandaigdigang pagkakaisa sa pamamagitan ng mga kampanya sa pagbabakuna, edukasyon, at adbokasiya.
Hinihimok ang lahat ng Bacooreno na may alagang aso at/o pusa na makilahok at pabakunahan ang kanilang mga alaga upang maging bahagi para makamit ang isang mundo na walang rabies.
PARA SA LAHAT NG BACOORENO!
World Rabies Day: Libreng Bakuna laban sa Rabies sa BRGY. SINBANALI sa SETYEMBRE 28, 2024, Sabado, mula 9:00AM hanggang 12:00PM. Huwag palampasin!
Maging responsableng pet owner, maging responsableng Bacooreno! Let us STRIKE AS ONE!