Mag STRIKE AS ONE tayo sa Agosto 8, 2024, mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay, Bacoor Government Center, para sa ating blood donation drive, “Dugong Kabitenyo, Lahing Rebolusyonaryo”.
Sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross – Cavite Chapter at Bacoor Office of the City Health Services, inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang lahat na maging bayani sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo. Ang iyong kabutihan ay maaaring magbigay ng pangalawang pagkakataon sa buhay ng iba.
Isabuhay natin ang diwa ng ating mga rebolusyonaryong ninuno sa pamamagitan ng pag STRIKE AS ONE para sa dakilang layuning ito. Lahat ay maaaring maging bayani – Dugong Kabitenyo, Lahing Rebolusyonaryo!