Isinaad ang makulay na araw para sa mga iilang mag-aaral sa pag gunita ng BDRRMO month. Nag-organisa ang opisina ng BRRMO sa pangunguna ni Mr. Richard Quion para sa mga iilang kaganapan katulad ng:
1. Poster Making Contest
2. Early Warning Device
3. Digital Art Making Contest
4. Slogan Making Contest
Ito ay bukas para sa mga mag-aaral na Bacooreño nagmula sa High School hanggang Kolehiyo. Ginanap ang kaganapan sa 5th Floor Bacoor Legislative & Disaster Resilience Building Events Hall.
Ang kaganapan na ito ay maipakita ang tanging sining at likha ng mga mag-aaral patungkol sa “Resilience Awareness.”
Mayroong matatangap na gantimpala katulad ng ang mga Poster Making Contest, Digital Art Making Contest at Slogan Making Contest makakakuha sila ayon sa kanilang ranggo katulad ng:
1st Place – Php 8,000
2nd Place – Php 5,000
3rd Place – Php 3,000
Samantala ang kumatawan sa Early Warning Device ay makakatangap ng Php. 15,000. Ang pagbibigay ng parangal ay gaganapin sa July 31, 2023 (Monday).
We Stike As One!
Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!