Bacoor City, Hunyo 22, 2025 – Matagumpay na ginanap kaninang umaga ang “Basaang Strike Zone Run: Car-Free Sunday” sa Nomo Avenue, Bacoor (sa may Roma Cafe at Vita Toscana). Pinangunahan ito ng City Government of Bacoor sa pamumuno nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, sa pamamagitan nina Mr. Rob Saluna at Mr. Ferdineil Esguerra ng Barangay Management Information System. Si Mr. Michael Ver Antony Comaling, Sports Director, ang nanguna sa programa.
Layunin ng 3k run na ito, ayon kay Mayor Strike, na hikayatin ang lahat ng Bacooreño na maging maingat sa kanilang kalusugan at magkaroon ng malusog na pamumuhay. Isinagawa ito bilang bahagi ng “Strike Zone Car-Free Bacoor,” at sinuportahan ng MWell. Tuwing Linggo, nagsasaya ang mga Bacooreño sa Basaang Strike Zone Run, kasama na ang mga mahilig sa Zumba.
Inaanyayahan ang lahat ng Bacooreño na sumali at maging bahagi ng masaya at malusog na programang ito tuwing Linggo!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.