Patuloy pa rin ang ating pagsasagawa ng UGNAYAN SA BARANGAY kasama ang mga Bacooreño mula sa Barangay Real 1 at Real 2 na ginanap noong July 22, 2023, sa Strike Gymnasium.
Pinangunahan ito nina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, Liga ng mga Barangay, at Atty. Jastine Dela Cruz, mula sa COMELEC-Bacoor.
Nagkaroon ng Voters Education para ipaliwanag at ituro ang mga dapat gawin sa araw ng plebisito na gaganapin sa July 29, 2023. Nais ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na iparating sa ating mga kababayang Bacooreño kung gaano kahalaga ang Barangay Merging. Nagkaroon din ng palaro at namigay ng bigas at pagkain para sa mga dumalo.
Inorganisa ang programang ito ng Provincial of Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla na dinaluhan nila Punong Brgy. Luisito A. Manlapas ng Brgy. Real 1, Punong Brgy. Brian C. Aganus ng Brgy. Real 2, at kasama rin nila ang kanilang Brgy. Officials.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa suportang ibinibigay ni Governer Jonvic Remulla sa Plebisito sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.