Noong July 27, 2023, ipinakita ng Barangay Panapaan 2 at Panapaan 3 ang suporta sa Plebisito na gagawin sa July 29, 2023, kaya naman simula sa Punong Barangay, Kagawad at Staff ng Barangay ay kumpleto para mas maintindihan ng lahat ang kahalagahan ng Barangay Merging kapag naging isa na ang dalawang Barangay.
Pinaliwanagan ni Atty. Justine Dela Cruz – Comelec Officer ang mga residente ng Panapaan 2 at Panapaan 3 kung paano ang tamang pag-boto at kung ano ang dadalhin para makaboto. Comelec rin ang maaaring pagtanungan kung magkaroon ng anumang problema sa pagboto.
Nagpakita naman ng suporta ang dalawang Punong Barangay na si Kap. Rommel B. Sagala ng Panapaan 2, at Kap. Alvin Bryan M. Macavinta.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena B. Mendiola, binigyan nila ng linaw ang kahalagahan ng Barangay Merging dahil mas maraming serbisyo, programa, at proyekto ang magagawa kung magiging isa ang dalawang Barangay. Tiniyak rin ni Councilor Rey Palabrica na ang ginawang Batas o Resolusyon ng Sangguniang Panlungsod Members ay makakatulong sa mga Bacooreñong sakop ng Barangay Merging.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.