Sa layuning palakasin ang mga bagong halal na opisyal ng mga barangay, sinimulan ngayong araw ang Basic Orientation Course na may temang “Grassroots Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangay Program”. Ang nasabing pagtitipon ay itinaguyod ng Liga ng mga Barangay (LNB) sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagdiriwang ay sina Mayor Strike B. Revilla, na nagbigay ng kanyang mga salita ng pagbati at suporta, at ang Guest Speaker na si LGOO VII/Cluster Ms. Nencita N. Costelo ng DILG – Cavite. Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman sina Mr. LGOO Officer Mr. Reginaldo S. Revilla ng DILG – Bacoor at si BM Rafael Paterno III, ang Liga ng Barangay at Cavite Provincial Chapter President.
Sa pangunguna ng mga ito, ang unang batch ng 23 barangay sa Bacoor ang naging mga kalahok sa nasabing pagtitipon. Layunin ng Basic Orientation Course na ito na magbigay ng mga kahalagahan at kaalaman sa mga bagong halal na opisyal upang maging epektibong lider sa kanilang mga barangay.
Ang Basic Orientation Course ay nagsimula ng alas-otso ng umaga sa Hotel Dominique sa Tagaytay City ngayong ika-3 na tatagal hanggang bukas ika-4 ng Abril, 2024. Sa loob ng dalawang araw na ito, pinag-aaralan ng mga kalahok ang mga konsepto at prinsipyo ng pamamahala sa barangay, kasama ang mga responsibilidad at tungkulin ng mga opisyal.
Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, inaasahang magkakaroon ng mas malawak na kaalaman at pag-unawa ang mga bagong halal na opisyal sa kanilang mga tungkulin. Ito ay isang hakbang upang palakasin ang pamamahala sa barangay at tiyakin ang transparent at accountable na paglilingkod sa mga mamamayan.
Sa huli, nagpahayag ng pag-asa at suporta si Mayor Strike B. Revilla sa mga bagong halal na opisyal. Ipinahayag niya ang kanyang tiwala sa kanilang kakayahan na maglingkod sa kanilang mga barangay at maghatid ng tunay na pagbabago sa komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.