Bacoor City, October 12, 2024 – Nagsimula na ang Barangay Assembly para sa ikalawang semestre ng 2024, na inorganisa ng Assosasyon ng Liga ng mga Barangay (LnB) at ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Layunin ng Barangay Assembly na magbigay ng pagkakataon sa mga Kapitan ng Barangay, kasama ang lahat ng mga opisyal at kawani ng bawat barangay, na mag-ulat sa kanilang mga kabarangay tungkol sa mga proyekto at kaganapan sa kanilang lugar. Kasama rin sa agenda ang State of the Barangay Address ng bawat Kapitan.
Ang unang batch ng mga barangay na nakilahok ay: Bayanan, Mambog 1, Mambog 2, Mambog 3, Mambog 4, P.F. Espiritu 4, P.F. Espiritu 5, P.F. Espiritu 6, Habay 1, Habay 2, Poblacion, Sinbanali, Mabolo, Dulong Bayan, Niog, Real, Salinas 1, Salinas 2, San Nicolas 1, Aniban 2, Talaba 1, Talaba 2, at Talaba 3.
Pinaigting ng Bacoor LGU, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ang suporta nito sa mga barangay assemblies. Nagsisilbi itong mahalagang plataporma para sa pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan at para sa malinaw na pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa sa bawat barangay.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.