Sa pagtatapos ng selebrasyon ng ika-352 anibersaryo ng ating Lungsod, nakita natin kung paano ginunita at ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ang makulay na kasaysayan at ang mayamang kultura nito sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga programa.
Isa na rito ang Bakood Festival’s Arts in the City kung saan tampok dito ang mga mahuhusay at talentadong mga Local Artist ng lungsod. Dito ay buong puso nilang ipinakita ang kanilang galing sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, pagtula, pagtugtog, at marami pang iba, na talaga namang ikinagiliw ng mga Bacooreñong dumalo rito.
Bukod dito ay ibinida rin ang mga naggagandahang mga artworks at handicrafts mula sa mga Local Art Entrepreneurs kabilang na rito ang mga livelihood products mula sa ating mga PDLs o Persons Deprived of Liberty.
Ang isa sa pinakamalaking Art Event na ito na ginanap kahapon, October 1, 2023, sa Bacoor Night Market, ay pinangunahan ng Bacoor Arts Community sa pamumuno ni Mr. Verlin Santos katuwang si Mr. Kid Leviste.
Maraming salamat po at mabuhay ang Bacoor!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.