Kasabay ng ating pagbisita dito sa makasaysayang probinsya ng Cavite, makasaysayan din ang ating pagbibigay ng mga serbisyo dahil dala ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang pinakamalaking serbisyo caravan para sa ating mga kababayan!
Sa pagtutulungan ng 65 na mga ahensya, naibaba ng ating pamahalaan ang 235 na mga programa para sa mga CaviteƱos para sa ika-24 na edisyon ng ating BPSF.
Sa ating mga kababayan, asahan ninyo na patuloy tayong maglilibot at maghahandog ng mga programang kinakailangan ng bawat Pilipino upang sabayan ang ating pag-unlad sa #BagongPilipinas!