Isang makasaysayang araw para sa ating lahat! Ngayon ay ginanap ang groundbreaking ceremony ng bagong Philippine Red Cross – Cavite Chapter dito sa Vermosa, Imus City sa pangunguna ni Chairman Richard J. Gordon. Malaking karangalan na maging bahagi ng proyektong ito na magdadala ng mas pinalawak at mas mabilis na serbisyong pangkalusugan at pang-emergency para sa ating mga kababayan.
Bilang inyong Vice Mayor, kaisa ako sa adhikain ng Philippine Red Cross na maghatid ng malasakit at serbisyo sa bawat pamilyang CaviteƱo. Ang pagtatayo ng bagong pasilidad na ito ay isang patunay ng ating pagtutulungan at pagkakaisa upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at sumuporta sa mahalagang hakbang na ito. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas ligtas at mas matatag na komunidad!
Mabuhay ang Philippine Red Cross!