Tuloy-tuloy ang programa na UGNAYAN SA BARANGAY na ginanap noong July 16, 2023, sa Strike Gymnasium na dinaluhan ng mga Bacooreño mula Kaingin at Digman.
Pinangunahan ito nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, Liga ng mga Barangay, at Jennifer Nolasco, mula sa COMELEC-Bacoor.
Nagkaroon rin ng Voters Education para ipaliwanag at ituro ang mga dapat gawin sa araw ng plebisito na gaganapin sa July 29, 2023. Nais ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na iparating sa ating mga kababayang Bacooreño kung gaano kahalaga ang Barangay Merging.
Inorganisa ang programang ito ng Provincial Government of Cavite sa pangunguna ni Governer Jonvic Remulla na dinaluhan ng mga LGUs, Department Heads, Punong Brgy. Edgardo V. Purification ng Digman, Punong Brgy. Alfonso P. Santos ng Kaingin, at kasama na rin ang kanilang Brgy. Officials.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa suportang ibinibigay ni Governer Jonvic Remulla sa Plebisito sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.