Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng labis na saya na hatid ng LGBTQIA+ na kung saan nagbigay daan sa kulay na bahaghari sa ginanap na Bacoor Pride March na may temang “All Out With Pride,” kahapon, June 28, 2023, sa Mabolo Freedom Park Plaza.
Pinangunahan ang programang ito ng City Tourism Office sa pamumuno ni Sir Edwin Guinto na kung saan dinaluhan din ng mahahalagang panauhin na sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, City Councilor Rogelio Nolasco, Board Member Edwin Malvar, Dr. Merie Trixie Gueco Dazon, STI HIV AIDS Coordinator Region IV-A CALABARZON, Reyna ng Torismo Cavite Winners, at LGU’s Department and Unit Heads.
Nakiisa sa makulay na programang ito ang 40 solo at 9 group participants sa pagandahan ng kasuotan na kung saan sila ay nag-uwi ng papremyo.
Ang Lungsod ng Bacoor ay patuloy na sumusuporta sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla dahil layunin nito na magkaroon ng boses ang mga LGBTQIA+ sa Bacoor, at isa sa adbokasiya nito ang maiwasan ang HIV.
YES sa pagpapahalaga sa LGBT sa lungsod ng Bacoor!
As We Strike As One!
Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.