Setyembre 13, 2024 – Nagkita ngayong araw ang mga kinatawan ng Department of Transportation (DOTR) at mga kinatasan ng City Government ng Bacoor, pinangunahan ni City Administrator Aimee Torrefranco-Neri, para talakayin ang pagbubukas ng Bikelane Project sa lungsod. Ang pagpupulong, na ginanap sa MSBR Conference Room at actual na pinuntahan ang Bacoor Bikelane Road, sila ay nakatuon sa paglalahad ng mga susunod na hakbang para sa proyekto, na naglalayong mapabuti ang imprastraktura ng pagbibisikleta at maisulong ang sustainable transportation sa Bacoor.
Inilarawan ang pagpupulong bilang isang “ocular inspection, preparation, and ground breaking meeting,” na nagpapakita ng pakikipagtulungan ng DOTR at ng lokal na pamahalaan. Inaasahang magdadala ng malaking benepisyo ang proyekto sa lungsod, kabilang ang mas mahusay na kaligtasan para sa mga siklista, nabawasan na trapiko, at mas malusog na kapaligiran.
Inihayag din sa pagpupulong na ang Ground Breaking Ceremony para sa Bikelane Project ay planong ganapin sa Setyembre 25, 2024. Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagsasakatuparan ng proyekto at isang patunay ng pangako ng DOTR at ng Bacoor LGU na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.