Wagi ang Bacoor Hope Children’s Chorus sa katatapos lang na Sing ‘n’ Joy International Choral Competition na ginanap sa Tagbilaran Bohol. Ang Bacoor Hope ay nakakuwa ng pinaka mataas na parangal sa kategorya F FOLKLORE na ang puntos ay 21.08, dahil dito sila ang nakakuwa ng GOLDEN DIPLOMA Level I na hangad rin ng mga sumali.
Nakuha rin ng Bacoor Hope Children’s Chorus ang isang parangal sa kategoryang G1 o Children Choirs, ang puntos na nakuwa nila dito ay 19.97 na may SILVER DIPLOMA Level X.
Nakamit ng Bacoor Hope Children’s Chorus ang tagumpay na ito sa suporta at gabay nina Founder Dr. Tina Alberto at Coach/Conductor Mr. Vell Litan na umalalay at nag turo sa mga Batang Bacooreño.
Ang laban na ito ay alay ng mga kabataang Bacooreño o Bacoor Hope Children’s Chorus sa ating butihing Alkalde Strike B. Revilla at sa buong Team Revilla na sumuporta sa laban ng Bacoor Hope Children’s Chorus.
CONGRATULATIONS BACOOR HOPE CHILDREN’S CHORUS TUNAY NA ANG BATANG BACOOREÑO AY TALENTADO.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.