Bacoor City, Oktubre 17, 2024 – Nagsagawa kahapon ng Bakuna ang Department of Education (DepEd) at ang City Government of Bacoor, sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng Office of the City Health Services (OCHS) sa pangunguna ni Dra. Ivy Marie Yrastorza, sa Talaba Elementary School.
Ang programa ay naglalayong mabigyan ng libreng bakuna ang mga estudyante ng Talaba Elementary School para sa kanilang kaligtasan at protekyon sa kalusugan. Layunin din nito na maibsan ang pag-aalala ng mga magulang tungkol sa kalusugan ng kanilang mga anak.
Dumalo sa event ang mga estudyante at guro ng Talaba Elementary School. Nagbigay ng impormasyon ang mga health workers tungkol sa kahalagahan ng bakuna.
Ang Bakuna Eskwela ay isang patunay ng patuloy na pagsisikap ng City Government of Bacoor na pangalagaan ang kalusugan at kagalingan ng mga mamamayan nito, lalo na ang mga kabataan.