Hunyo 10, 2024 – Sa pagpasok ng unang araw ng linggo, isang makulay at masiglang Flag Raising Ceremony ang isinagawa sa pangunguna ng Bacoor City Culture, History, Arts, and Tourism Office, sa pamumuno ni Mr. Edwin B. Guinto.
Sinimulan ang programa sa pambungad na pananalita mula kay City Councilor Rey Palabrica, na agad ding sinundan ng paglulunsad ng iba’t ibang programa na handog ng Bacoor City Tourism Office, kabilang ang:
1. Filipino Brand Service Excellence “MABUHAY!” Gesture in Bacoor
2. Bacoor Tourism Brochure
3. Centenarian Stamp
Nagbigay naman ng mensahe ang panauhing pandangal na si Mr. Luis D. Carlos, PHILPOST Postmaster General. Kasunod nito, inilunsad din ang bagong Bacoor Tourism Campaign Jingle na pinamagatang “At Home Ka Sa Bacoor” sa pamamagitan ng isang intermission number na pinangunahan ng Afterwork Dancers at San Lorenzo Ruiz Band and Majorette.
Nagtapos ang programa sa espesyal na mensahe mula kay Mayor Strike B. Revilla, kung saan kanyang tinalakay ang mga nagdaang programa at proyekto, gayundin ang mga dapat pang abangan sa lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.