Sa idinaos na Flag Raising Ceremony, kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang mga centenarians ng lungsod bilang bahagi ng paglulunsad ng Bacoor City Culture, History, Arts, and Tourism Office ng Centenarian stamp. Ang hakbang na ito ay bahagi ng Postal Agency’s Corporate Social Responsibility (CSR) program upang parangalan ang mga Filipino centenarians alinsunod sa Republic Act No. 10868.
Kasama sa mga binigyan ng pagkilala sina:
1. Corazon Jao – 104 yrs old
2. Trinidad Sarino – 103 yrs old
3. Florentina Gervacio – 103 yrs old
4. Julia San Jose – 101 yrs old
5. Victoria Fruto – 101 yrs old
6. Rosila Medina – 100 yrs old
7. Orosia Purugganan – 100 yrs old
8. Paciencia Celestino – 100 yrs old
9. Feliciana Asuncion – 100 yrs old
10. Pastora Vila – 100 yrs old
Ang aktibidad na ito ay nagpatibay sa adbokasiya ng lokal na pamahalaan na magbigay-pugay sa mga nakatatanda at kilalanin ang kanilang mga kontribusyon sa lipunan.