Hunyo 14, 2024, muling nakatanggap si Lola Paciencia Celestino, isang daang taong gulang mula sa Barangay Panapaan 2, ng nagkakahalagang 50,000 pesos mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Kasama sa pagdiriwang at pagbibigay-pugay ang mga kinatawan mula sa Bacoor LGU tulad nina Coun. Simplicio Dominguez, ang Committee Chairman ng Senior Citizens sa Sangguniang Panglungsod, Atty. Venus de Castro, ang namumuno ng Bacoor Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), at si Ms. Lynn Andrea Escobar, kinatawan mula sa PSWDO.
Ang naturang pagkilala ay naganap upang ialay ang parangal kay Lola Paciencia Celestino sa pagtahak niya sa ika-100 taon ng kanyang buhay.