Ang tanggapan ni Congresswoman Lani Mercado Revilla ay nagsagawa ng isang makabuluhang programa para sa mga Bacooreño na kapos ang kita o hindi umaabot sa minimum wage ang sahod. Ito ay pinangunahan mismo ni Cong. Lani M. Revilla kasama si Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang mga mangingisda, nagtitinda ng Shellfish at lamang dagat, tricycle driver, gas station employees, construction workers, at grocery & supermarket employees. Layunin ng programa na magbigay tulong sa mga kababayan na nangangailangano kapos ang kita.
Isinagawa ang programa sa Strike Gymnasium sa pamamagitan ng suporta mula kina Senador Ramon “BONG” Revilla Jr., Board Member Ram Revilla, Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at mga kasapi ng Sangguniang Pangkungsod kasama ang buong Team Revilla.
Napag-usapan din ang mga batas na kanilang isinusulong tulad ng Revilla Law na naglalayong magdulot ng malaking tulong sa mga Pilipino partikular sa mga Bacooreño. Ang pagtitipon ay naganap kahapon ika-15 ng Agosto, 2024.