Mensahe ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla kay Sandra Bautista:
Labis po akong natutuwa at talagang nagmamalaki na ibahagi sa inyong lahat ang natatanging tagumpay ng ating batang atletang si Sandra Bautista. Bilang inyong Alkalde at proud na tito, itinuturing ko pong isang malaking karangalan ang maging parte ng kaniyang journey at makita ang kaniyang growth bilang isang atleta.
Sandra, ikaw ay buhay na patunay na sa sipag, tiyaga, at determinasyon, walang imposible. Ang iyong dedikasyon sa larangan ng tennis at ang natural mong galing sa sport na ito ay talaga namang umantig sa puso ng bawat isa sa atin. Isa kang modelo para sa kabataan, pinatutunayan mong posible ang lahat sa pag-abot ng mga pangarap basta may disiplina at pangarap na nais abutin.
Nagtagumpay ka sa dalawang malalaking kumpetisyon, ang National Juniors Tennis Championships sa Valle Verde Country Club at ang Fr. Fernando Suarez M-Cup noong 2024. Ito ay nagsilbing karangalan hindi lang para sa iyo, kundi para rin sa ating lungsod ng Bacoor.
Bilang isang pamangkin ko, sobra akong proud at nagpupugay sa’yo, Sandra. Sa bawat pagsasalihan mong laban, ibinabandera mo hindi lamang ang iyong pangalan kundi pati na rin ang pangalan ng ating lungsod, Bacoor.
Patuloy mong panghawakan ang iyong mga pangarap. Malayo pa ang mararating mo at kasama mo kami sa lahat ng hakbang na iyong tatahakin. Ang tagumpay mo ay simbolo ng tagumpay ng bawat isa sa atin dito sa Bacoor. Isang inspirasyon ka sa kabataan at patunay na may maabot silang pangarap kung ito’y kanilang pagsusumikapan.
Isang malaking karangalan ang makita ka nating nag-uwi ng tagumpay dito sa Bacoor, Sandra. Huwag mong kakalimutan na nandito ang iyong pamilya at ang buong Bacoor na sumusuporta sayo.
Ipinagmamalaki kita, Sandra Ipakita mo sa mundo kung gaano kagaling ang isang Bacooreño.
Maraming salamat po ulit sa inyong lahat, at mabuhay po tayong lahat na mga Bacooreño!