BACOOR, CAVITE — Matagumpay na isinagawa ang pagtatapos ng Sining Tuklas: Multimedia Course noong Marso 29, 2025, sa Bacoor Computer Center. Ang programang ito ay inilunsad upang hubugin ang talento ng mga Bacooreño sa larangan ng photography, videography, at editing.
Pinangunahan ng Bacoor Arts Community, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, CICRD, MIS and E-Governance Department, at Bacoor Computer Center, ang pagsasanay na nagbigay-daan sa mga mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang malikhaing kakayahan gamit ang teknolohiya. Sa loob ng programa, hindi lamang kasanayan ang kanilang natutunan kundi pati ang kahalagahan ng dedikasyon, disiplina, at malikhaing pagpapahayag.
Nagpadala rin ng mensahe ng suporta at pagbati si Mayor Strike B. Revilla. Sa kanyang mensahe, pinuri niya ang mga estudyante at hinimok silang ipagpatuloy ang kanilang sining upang maging boses ng pagbabago at inspirasyon sa lipunan.
Bukod sa pagkakaloob ng mga sertipiko ng pagtatapos, kinilala rin ang mga natatanging mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang parangal tulad ng Best Photographer, Best Videographer, Best Editor, at Most Outstanding Student.
Major Awards
🏆 Best Multimedia Project – Adrian Paul F. Espiritu
🏆 Best Photographer – Justine May Dorothy
🏆 Best Videographer – Keen Quinto
🏆 Best Editor – Aleph Zachary Villanueva
🏆 Most Outstanding Student – Hanna Bongon
Special Awards
🎖️ Excellence in Creativity – Kian Maki Chispa
🎖️ Excellence in Storytelling – Hanna Bongon
🎖️ Excellence in Technical Skills – Aleph Zachary Villanueva
🎖️ Most Innovative Work – James Ordena
🎖️ Best in Collaboration – Sofia Sunshine
Recognition Awards
📜 Most Improved Student – Kian Maki Chispa
📜 Leadership Award – Hanna Bongon
📜 Dedication & Passion Award – Gilbert Balonzo
Isa rin sa mga naging highlight ng seremonya ay ang pagbabahagi ng inspirational message ni Crystal Nacion ng Thal Ruin Photography. Sa kanyang talumpati, ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang multimedia professional at nagbigay ng payo sa mga nagsipagtapos tungkol sa pagpapalawak ng kanilang malikhaing pananaw at pagsusumikap sa industriya.
Ang Sining Tuklas: Multimedia Course ay patunay ng lumalawak na suporta ng Bacoor sa larangan ng sining at teknolohiya. Sa pagtatapos ng batch na ito, panibagong henerasyon ng multimedia artists ang handang lumikha ng makabuluhang sining at kwentong may saysay.
Mabuhay ang mga nagsipagtapos ng Sining Tuklas!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.