Nobyembre 21, 2023 (Miyerkules) – Matagumpay na naidaos ang pagtatapos ng Bacoor Community-Based Drug Rehabilitation Program sa pangunguna ni Dra. Ivy Marie C. Yrastorza sa Strike Gymnasium. Nagtapos ang mahigit sa isang daang kalahok sa programa na naglalayong bigyan sila ng bagong pag-asa sa pamamagitan ng pagpapakalakas ng kanilang mga natutunan sa rehabilitasyon.
Ang anim na buwan na court-mandated rehabilitation ay pinagdaanan ng mga dating persons deprived of liberty (Ex-PDL), samantalang ang mga drug surrenderers ay sumailalim sa 60-araw na rehabilitasyon. Ang programa ay sinimulan noong panahon ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte at ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla na noon ay Mayor pa ng Bacoor.
Dumalo sa programa ang mga pinuno ng lungsod ng Bacoor tulad nina Vice Mayor Hon. Rowena Bautista-Mediola, Congresswoman Lani Mercado Revilla, Hon. Reynaldo Palabrica, CLGOO Reginaldo S. Revilla, Congressman Bryan Revilla, Hon. Alex Felizardo Gutierrez, PTCOL. John Paolo V. Carracedo, Ms. Khei Sanchez (LEDIPO), Pastor Mike Baustista (OIC Bacoor Traffic and Management Department), at Pastor Phil Depatillo.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.