Noong March 18, 2024 nagtapos ang mahigit apat na raang Bacooreño na Scholar ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa ilalim ng programa ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA). Ang pag tatapos ay pinangunahan nila Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members at ni Ma’am Lita Gawaran na siyang OIC ng Livelihood Department.
Ang Resources Education Vocational Instruction Livelihood Academic o Revilla Center ay patuloy na nagbibigay ng mga programa para sa mga Bacoorenong nais makapag aral ng vocational course.
Ang mga nagsipag tapos ay nag aral sa Cavite School of St. Mark na partner school ng TESDA at sa REVILLA CENTER ng Bacoor. May roong 417 na nagtapos sa kanilang kursong kinuwa.
* Body Massage Leading to Massage Therapy NC II ( 34 )
* Bread and Cake Making Leading to Bread and Pastry Production NC II ( 40 )
* Candle and pERFUME Making ( 15 )
* Floral Arrangement ( 9 )
* Nail Care Servicing, Manicure/Fedicure Foot Spa and Hand Spa. Leading to Beautiful Care NC II ( 22 )
* Hair Care Servicing, Haircut and Hair Color. Leading to Hair Dressing NC II ( 11 )
* Hot and Cold Meals Leading to Cookery NC II ( 20 )
* Bread Making – Barangay Mambog ( 34 )
* Floral Arrangment – Barangay Molino 3 ( 29 )
* Floral Arrangement – Barangay Quensrow Central ( 22 )
* SOAP Making – Brgy. Panapaan 5 ( 35 )
*SOAP Making – Barangay. Panapaan 7 ( 32 )
* Candle Making – Barangay Panapaan 5 ( 51 )
* Candle and Soap Making – Barangay Daang Bukid ( 22 )
* Dress Making NC II ( REVILLA CENTER ) – ( 19 )
* Cookery NC II – Cavite School of St. Mark ( 22 )
Dumalo naman sa pagtatapos at nag bigay rin ng minsahe si Ms. Melifer Delgado – Tesda Partnet : Cavite School of St. Mark, Dir. Rosalinda B. Talavera – Provincial Director TESDA Cavite.
Saksi rin si Kap. Jordan Zyon at mga Kagawad ng Baranga Panapaan 4 sa araw ng pagtatapos.
Sa minsahe naman ni Mayor Strike B. Revilla binati nito ang mga nagsipag tapos at binigyang diin ang mga programa at proyekto na patuloy na nakakatulong sa ating mga Bacooreno. Binanggit rin nito ang mga ordinansa na patuloy na ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor.
Sa huli, tinawag na ang mga nagsipag tapos at tinanggap ang sertipiko ng pagkilala at partisipasyon.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.