Noong June 6, 2024, nakatanggap ng tulong pinansyal ang 480 na mga Bacooreño sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng pamamahala ng City Social Welfare and Development Office.
Ang layunin ng programa, na pinangunahan ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, ay ang pagbibigay ng agarang tulong pinansyal at medikal, gayundin ng tulong sa pagpapalibing sa mga indibidwal na nangangailangan nito.
Ang pondong ito ay nagmula sa lokal na pamahalaan at ang mga tulong medikal ay ipinamamahagi sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) Program mula kay Mayor Strike B. Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.