araw na lang at eleksyon na! Kaya naman ating alamin kung ano nga ba ang nilalaman ng QR Codes na makikita sa Election Return at Voter Receipt ngayong May 12, 2025 National and Local Elections.

Ang QR Code na nasa Voter Receipt na matatanggap ng botante pagkatapos bumoto ay nakalaan kung sakaling magkaroon ng pangangailangan na i-verify ang mga boto.

Tandaan na ang QR Code sa Voter Receipt ay hindi maaaring i-scan ng botante pero huwag mag-alala dahil hindi makikita ang mga detalye ng botante at kung sino ang kanilang binoto kapag ini-scan ang QR Code na ito,

Ang layunin ng mga QR Code na nakapaloob sa Election Return na iiimprenta ng Automated Counting Machine (ACM) pagkasara ng botohan ay upang makita ng bawat Pilipino ang naging resulta ng May 12, 2025 National and Local Elections sa kani-kanilang presinto.

Mag-iimprenta ng unang siyam (9) na kopya ng Election Returns ang ACM kung saan ang ika-9 na kopya ay ipapaskil sa labas ng presinto. Pagkatapos nito at itatransmit na ang resulta ng halalan at mag-iimprenta ng huling dalawanmpu’t-isang (21) kopya ng Election Returns.
Ang 3 QR Codes sa Election Return ay magpapakita ng mga sumusunod na detalye:
: Resulta ng mga boto sa pagka-Senador sa precinct level
: Resulta ng mga boto para sa Party-List Groups sa precinct level
: Clustered Precinct ID, Bilang ng mga Botante (Registered Voters o RV), Bilang ng Balotang Nabilang (Counted Ballots o CB), Bilang ng Balotang Hindi Tinanggap (Rejected Ballots o RB), at Voter Turnout (VT).