Ngayong umaga lamang, 30 Hulyo 2025, ay naglabas ang DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ng Tsunami Advisory No. 2 : Minor Sea Level Disturbance para sa mga probinsya na may banta ng tsunami mula sa dagat na nakaharap sa Kamchatka, Russiapara.
Kaugnay nito, pinapaalalahanan din ang publiko at mga residente na nakatira na malapit sa mga nabanggit na lugar , kasama ang Probinsya ng #Quezon, na lumayo sa mga baybaying-dagat upang maiwasan ang mga bantang panganib na maaaring maidulot nito.
Naririto din ang ilang dagdag na kaalaman para sa kahandaan kung may banta ng tsunami sa ating lugar.